KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 Karapatang Pantao ng Batang Biktima ng Trapiking

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: Karapatang Pantao ng Batang Biktima ng Trapiking   Wed Feb 27, 2008 6:00 pm

Bata, Bata, Karapata’y Ipaunawa:
Isulong ang Karapatang Pantao ng Batang Biktima ng Trapiking

Alinsunod sa karapatan ng bawat biktima ng trapiking na mabuhay, mapangalagaan, maprotektahan at matiyak ang partisipasyon, isinusulong ng Philippines Against Child Trafficking (PACT) na mapagtibay sa lalong madaling panahon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang Philippine Guidelines for the Protection of Trafficked Children.

Ang Philippines Against Child Trafficking (PACT) ay isang network ng mga indibidwal at mga organisasyong naglalayong protektahan ang mga batang biktima ng trapiking. Binubuo ito ng mahigit 500 mga miyembro sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, gaya ng mga social workers, pulis, guro, mga kinatawan ng NGOs, faith-based organizations (FBO), atbp.

Sa isang pagtitipon na naganap noong Pebrero 27, 2008 sa Newsdesk Café, Timog Ave., Quezon City, ipinahayag ng PACT na layon ng naturang dokumento na magsilbing gabay at pamantayan upang palawakin pa ang kaalaman at pang-unawa ng mga nasa larangan ng pagseserbisyo sa mga batang natrapik, partikular ang mga social workers, pulis, mga taga-NGO at ng Estado, tungkol sa karapatan ng mga batang ito at mga hakbangin upang maprotektahan sila.

Ayon kay Amihan Abueva, kinatawan ng ECPAT Philippines na siyang Children’s NGO Representative sa IACAT, “ang pagpapatibay sa mga pamantayan ay mahalaga para matiyak na sa bawat sitwasyon at kalagayan ay mapapangalagaan ang karapatan ng mga batang biktima ng trapiking.”

Dagdag pa niya, ang Philippine Guidelines rin ang magiging batayan ng ugnayan ng mga ahensya na nagsisikap na magkaroon ng epektibong koordinasyon upang matukoy ang mga madalian at pang-matagalang solusyon para sa mga suliranin ng bawat batang biktima ng trapiking.

“Ito ang magbibigay ng lakas ng loob sa mga batang biktima at tutulong sa kaniya na magsampa ng kaso laban sa mga nagsamantala sa kaniya,” aniya.

Kabilang sa mga batayan ng nilalaman ng Philippine Guidelines ay ang mga sumusunod na lokal at pang-internasyunal na instrumento: Convention on the Rights of the Child; Optional Protocol to the CRC on the Sale of Children, Child Prostitution and Child Pornograph;, Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, Especially Women and Children, supplementing the United Nations Convention against Transnational Organized Crime; United Nations High Commissioner for Human Rights Recommended Guidelines on Human Rights and Human Trafficking; UNICEF Global Guidelines; ILO Convention 182 (Convention Concerning the Prohibition and Immediate Action for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor; Bohol Document (August 2004); Southeast Asian Guidelines for the Protection of the Rights of Trafficked Children (Bangkok, March 2006); Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act); Republic Act No. 9231 (An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child); Republic Act No. 9208 (Anti Trafficking in Persons Act of 2003) at iba pang mga pamantayan at patakarang ng pamahalaan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, isang Soft Launch ng Philippine Guidelines ang naganap noong Disyembre 11, 2007 bilang bahagi ng IACAT Sub-national Conference against Trafficking sa Bayview Hotel, Roxas Boulevard, Manila. Dinaluhan ito ng mga prosecutors at iba pang mga kinatawan ng mga miyembrong ahensya ng IACAT.
Kasalukuyang nakasalang sa IACAT ang naturang guidelines para sa mga pinakahuling pagbasa, komento at pormal na adoption mula sa mga ahensyang bumubuo ng Council, sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) bilang Chairperson at Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang Co-Chairperson.

KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Ayon sa batas, ang pagtatrapik ng bata ay ang pagrekruta o pagkuha, pagbibiyahe, paglilipat, pagkupkop o pagtatago, at pagtanggap ng bata para gamitin sa mapagsamantalang mga layunin, sa loob at labas ng bansa, tulad ng prostitusyon, pornograpiya at iba pang anyo ng pagsasamantalang sekswal, sapilitang paggawa, ang-aalipin o iba pang katulad na anyo nito, paninilbihan, pagtanggal at pagbebenta ng mga bahagi ng katawan, paggamit sa mga gawaing iligal, partisipasyon sa armadong alitan, at pagpapaampon at pagpapakasal sa bata na mauuwi sa pagsasamantala sa kanya.

Ang IACAT ay nabuo sa bisa ng RA 9208 Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (Sec. 20) bilang ahensya ng pamahalaan na siyang may mandatong manguna sa mga kasong may kinalaman sa pagtratrapik ng mga tao, gaya ng pagpapalaganap ng batas at alituntunin sa pangangalaga, proteksyon at prosekusyon ng mga trapiker.

Bago pa man mabuo ang RA 9208 Anti Trafficking in Persons Act of 2003, bahagi na ng kampanya ng ASIA ACTs, isang Southeast Asian network against child trafficking, ang mabuo ang mga pamantayan at gabay na ito taong 2001. Ipinagpatuloy ng Philippines Against Child Trafficking (PACT) ang kampanyang ito sa bansa noong 2002.

Sa kasaysayan ng pagbuo ng Philippine Guidelines for the Protection of Trafficked Children, ASIA ACTs ang siyang nanguna sa pagbuo ng draft ng Southeast Asian Guidelines sa Bohol noong Agosto 2005; tinawag itong Bohol Document. Muling nagkaroon ng pulong-pagsasanay tungkol dito sa Bangkok, Thailand noong Marso 2006; ito ang naging Bangkok Document na siyang naging batayan ng serye ng mga sumunod pang pulong-sanayan para mabuo ang mga pamantayan para sa Pilipinas. Nabuo ang pinal na dokumento para sa Pilipinas noong Mayo 2006.



Para sa iba pang impormasyon o katanungan:

Philippines Against Child Trafficking (PACT)
Rm. 316-317 3/F Philippine Social Science Center
Commonwealth Ave., Diliman, Quezon City, Philippines
Tel. (632) 929-0347, Fax: (632) 929-0347
Email: philippinecampaign@gmail.com
Website: www.pact.org.ph
Back to top Go down
View user profile
 
Karapatang Pantao ng Batang Biktima ng Trapiking
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Preman mabuk ikut dibatkan dalam operasi Densus 88 di Kendal dan Batang

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: PRESS RELEASES :: Statements-
Jump to: