KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 Trapo Takshapo!: Tama Na! Itama Na!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: Trapo Takshapo!: Tama Na! Itama Na!   Fri Mar 07, 2008 4:28 pm

Nahaharap tayo sa isang di matapos tapos na krisis. Kaliwa't kanan ang mga eksplosibong eksena, sunod-sunod at walang hupa. Patindi ng patindi ang mga tagpo, pahaba ng pahaba ang serye, bagamat paulit-ulit lang ang buod ng kwento.

Katiwalian, Panggugulang, Kasinungalingan, Karahasan - ito ang kalakarang pinangungunahan mismo ng MalacaƱang. Lubhang nakaka-eskandalo ang mga kalabisang nagaganap mismo sa ating harapan. Panggugulang sa halip na makataong pamamahala. Kutsabahan sa halip na tapat na paglilingkod. Pagbebenta sa pambansang kapakanan. Ang gobyerno ay isa nang malaking sindikato na pinangungunahan ng isang kolorum na administrasyon; pinamumunuan ng isang ganid na pamilya, kakuntsaba ang mga sugapang operador na walang hiyang mambulsa ng milyun-milyong "komisyon."

Sa ZTE-NBN deal lamang, kalahati ng buong proyekto ay mauuwi lamang sa “komisyon”. Sa proyektong ito pa lamang, $ 130 million, ang kukubrahin sanang kickback. Sindikato ngang maituturing ang isang pamunuang kayang sikmurain ang ganitong pangungurakot samantalang kulang na kulang ang pondong nailalaan sa batayang serbisyo para sa nakararami.

Gutom ang Pilipino, Busog ang mga Trapo
Samantalang may 14.5 Milyong Pilipino ang nakakaranas ng gutom...

$130 Million na kickback ay katumbas ng pagkain at ikabubuhay ng 968,523 na pamilya sa isang buwan.

Edukasyon: Pondo sa Edukasyon, Nauwi sa Korapsyon
Samantalang may 11.6 million na kabataan ang di nakakapag-aral at kulang na kulang ang mga guro, classroom at pondong pang-edukasyon. ..

$ 130 Million na kickback ay sobra-sobra pa para sa 12,733 teachers, 12,418 classrooms, at scholarships para sa kabataan.

Health: Nangamamatay ang Kababaihan, Pondo'y binulsa ng mga Gahaman
Samantalang may 10 babae ang namamatay kada araw dahil sa komplikasyon sa panganganak at kakulangan sa serbisyo...

$ 130 Million kickback ay katumbas ng karagdagang 30,000 midwives para sa one midwife per barangay program.

Pabahay sana ng Mamamayan, Nasikwat ng mga Gahaman
Samantalang may 4 milyong Pilipino ang walang bahay na masilungan.. .

$ 130 Million kickback katumbas ng 40,000 low cost housing units.


Ang masaklap na katotohanan: sa kamay ng isang sindikato, nagiging kasangkapan na lamang ang mga institusyon, yaman at kapangyarihan ng estado para sa di marendahang kaswapangan at pagkagumon sa kapangyarihan. Kaya naman ang umiiral ay eskandalo at hindi pagggobyerno.

Upang panatilihin ang kaniyang paghahari, kinakailangan ng sindikatong siguraduhin ang lahat ay susunod sa kaniyang bawat utos at dikta sa pamamagitan ng pananakot at pandadahas. Ito ang dahilan kung bakit walang habas niyang niyuyurakan, isinasantabi at pinaglalaruan ang karapatan nating mga mamamayan na isiwalat ang ating mga damdamin, magprotesta at labanan ang sinumang gubyernong hindi nagsisilbi sa ating mga interes.

Patuloy ang eskandalo't gulo hangga't tayo'y nanatiling pangkaraniwang manonood lamang. Hindi ito mauubusan ng mga 'susunod na kabanata' hangga't tayo'y nagkakasya lamang sa pag-aabang at pagmamanman.

Huwag tayong magpagamit at magpalugmok sa kaayusang ito. Huwag nating hayaang ang usapin ng pamamahala ay mauwi na lamang sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng sindikato, pagpapayaman at pagtatakip sa napakarami nang kalabisang paulit-ulit na lamang.

Hindi matatapos ang krisis na ito hangga't nandyan si Gloria at ang sistemang trapo. Tapusin natin ito. Simulan natin sa pagpapaalis kay Gloria. Idiin natin na hindi uubra ang kanyang sindikatong pamamalaka. Ipakitang hindi natin palalampasin ang pagnanakaw, panlalamang, panlilinlang, pandaraya at pambubusabos sa ating bayan. Bawiin natin ang ating pamahalaan mula sa iilang trapong kumubkob nito. Panagutin natin at parusahan ang mga may sala. Igiit natin ang tunay na people power na higit pa sa mga nakaraang EDSA. Manindigan tayo upang di lamang matapos ang lahat sa pagpapalit ng pangulo. Bantayan natin ang proseso hanggang dulo. Sama-sama nating bigyang buhay ang totoong gobyerno para sa pagbabago.

Tama na! Itama Na!
Tanggalin, Panagutin, ang Reyna ng mga Trapo!
Itayo isang gobyerno para sa tunay na Pagbabago!

Welga ng Kababaihan
World March of Women-Philippines
28 February 2008
Reference: Mayi Fabros 09172069803
Back to top Go down
View user profile
 
Trapo Takshapo!: Tama Na! Itama Na!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: PRESS RELEASES :: Statements-
Jump to: