KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 ISANG PAKIKIRAMAY

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: ISANG PAKIKIRAMAY   Thu May 22, 2008 9:57 am

ISANG PAKIKIRAMAY
SA PAGYAO NG ISANG MAGITING NA
MAMBABATAS AT LIDER MANGGAGAWA!!!
(Ika 20 ng Mayo, 2008)


Isang malungkot na yugto ng kasaysayan ang pagpanaw ng isang magaling at magiting na lider manggagawa na kagaya ni Rep. Crispin Beltran o lalong kilala sa pangalang “Ka Bel”. Kagaya ng mga yumaong lider manggagawa sa ating bansa, ang pagyao ni Ka Bel ay malaking kawalan sa kaniyang kinabibilangang sektor. Isa rin siyang kawalan sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino.

Si Ka Bel ay kilala sa pamumuno at pagsusulong ng karapatan ng manggagawa sa ating bansa. Ang kanyang mga nagawa para sa kagalingan ng partikular na hanay na ito ay di matatawaran. Siya ay aktibo sa pakikipaglaban para sa mga karapatan ng lahat ng masang Pilipino. Si Ka Bel ay naging mambabatas ng dalawang beses, una ay bilang kinatawan ng Bayan Muna at ikalawa ay bilang kinatawan ng Anak Pawis. Hindi kailanman ginamit ni ka bel ang kanyang posisyon bilang kongresista para sa sariling kagalingan pang ekonomiya man o para sa sariling kasikatan. Siya ay nanguna sa pakikibaka at pakikipaglaban sa kongreso at sa lansangan para sa P125 ‘across the board’ na pagtaas ng sahod. Kasama din siya ng mga manggagawa sa ibayong dagat para isulong ang kanilang karapatan. Makailang ulit din nyang dinalaw ang mga ito sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Bilang isang lider, si ka bel ay nakiisa sa mga tsuper sa pagsulong ng kanilang interes. Kasama siya ng mga ito sa panawagang pagtaas ng pasahe at pagrollback ng presyo ng langis. Di lingid sa lahat na malapit sa puso ni ka bel ang mga ito sa kadahilanang minsan sa kanyang buhay sya ay naging lider ng mga tsuper ng taksi. Sa katunayan nito nakasama pa si ka bel sa isang kilos protesta ng mga ito nitong nakaraang linggo.

Sa mahabang panahon na pagiging tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) minsan ding naging kakabitbisig ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) si ka Bel sa pagsusulong ng mga karapatang pantao partikular ng sektor na kanyang kinabibilangan.

Sa kabila ng mga pagatake ng estado sa kanya, siya ay nanatiling nakatayo at matatag sa kanyang pakikibaka sa karapatan, hustisya at kapayapaan ng mamamayang Pilipino.

Sa oras ng paghihinagpis, pinapaabot ng pamunuan at buong kasapian ng PAHRA ang kanyang taos pusong pakikiramay sa mga naiwang pamilya, kaibigan at kasama ni Ka Bel at sa lahat ng manggaggawang pilipino. Mananatili siyang buhay sa aming puso at patuloy na inspirasyon na kailan man ay hindi makakalimutan. Ang kanyang kontribusyon sa pakikibaka para sa karapatang pantao ay isang tanglaw ng pag-asa ng bayang patuloy na nagdurusa.


Renato G. Mabunga
Pangkalahatang Kalihim
PAHRA


Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)
#53-B Maliksi Street, Brgy. Pinyahan, Quezon City, PHILIPPINES
Tel. # (632)436-2633; Fax # (632)433-1714
e-mail addresses: pahra@philrights.org or pahra@philippinehumanrights.org
URL: www.philippinehumanrights.org
Back to top Go down
View user profile
 
ISANG PAKIKIRAMAY
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: EVENTS and PROJECTS :: Events-
Jump to: