KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 Populasyon o popu…lason?

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: Populasyon o popu…lason?   Thu May 22, 2008 10:24 am

REPORT CARD Ni Atty. Ernest Maceda
Friday, May 16, 2008
KASAKLAP ng trahedya ng isang pamilyang Pinoy sa Canada. Sa pagmamadali ng magulang na sumakay sa eroplano, nalimutan ang kanilang 2 years old na anak sa Vancouver airport! Naku po! Bangungot ng lahat ng ama’t ina ang ganitong pangyayari. Mabuti’t natagpuan ng mabait na security guard ang gumagalang musmos sa may departure gate. Naihabilin naman sa isang Fil-Canadian na empleyado ng airline na nag-alaga rito hanggang mabalikan ito ng ama. Siyempre, kinailangang bunuin ng mag-asawa ang torture ng biyahe papunta sa destinasyon sa Winnipeg bago ito kumuha muli ng tiket pabalik sa Vancouver para sunduin ang bata.

Hindi masusukat ang trauma nito hindi lang sa bata kung di pati rin sa magulang. Gaano ka man kabuwisit sa kapabayaan ng mag-asawa, hindi pa rin mapigil ang paki­ramay sa kanilang sinapit. Walang magulang na nanaising mangyari ang ganyang trahedya sa kapwa magulang.

Ang eksenang ito ay napabalita dahil nangyari sa isang international airport. Pero karaniwang tanawin sa mga lansangan ng Metro Manila at sa mga karukhaan sa lala­wigan ang mga musmos na gala dahil sa kapabayaan. Isa lang itong simtoma ng sumasabog nang problema ng populasyon. Ito lang huling census ay 88 million na tayo. Pabigat na nang pabigat ang pinapasan ng kaban ng bayan. Lumiliit ang nababahaging serbisyo kada ulo kapag dumadami ang bilang ng tao.

Isa ito sa hamon ng pagiging Katolikong bansa. Dahil sa lakas ng puwersa ng simbaha’y hindi makapangahas ang gobyerno na itodo ang kampanya sa population control. Hanga ang REPORT CARD sa paisa-isang opisyal, tulad ni Konsehal Joseph Juico ng Q.C., na naglalakas loob na i-career ito at harapin ang poot ng mga pari.

Ang unang casualty ng population explo-sion ay ang mga bata. Masyado nang mara­ming batang nawawala, nagugutom, nababa­boy, namama­tay. Headline: 3 taong gulang na batang may polio, nadiskubre ang bang­kay sa sapa na may pukpok sa ulo. Sa isang bansang limitado ang kakayahan, sa bawat sanggol na isinil­ang ay may kapalit ding ba-tang papanaw.
Back to top Go down
View user profile
 
Populasyon o popu…lason?
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: PRESS RELEASES :: Statements-
Jump to: