KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 Ang Family Planning ay Karapatang Pantao

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: Ang Family Planning ay Karapatang Pantao   Mon Jul 07, 2008 4:10 pm

Ang Family Planning ay Karapatang Pantao
Sa Maynila Gawin Nating Totoo!

Kami'y kababaihan at mga mag-asawang galing sa iba-ibang sulok ng Maynila. Kami ang mga tinamaan ng pagbabawal sa Family Planning ni dating Mayor Atienza.

Sa pag-alis ng pills, iniksyon at condom sa mga health center, at ng IUD at pagpapatali sa mga ospital, kami'y inalisan ng mabisang proteksyon laban sa wala-sa-panahon at di-planadong pagbubuntis at panganganak.

Sa sunud-sunod na panganganak, lalong tumindi ang paghihirap ng aming mga pamilya. Lalong lumiit ang pantustos sa pagkain, kalusugan at pag-aaral ng mga bata. May nauwi sa away o bugbugan dahil umiiwas sa pagsiping. May kababaihang nagkakumplikasyon sa pagbubuntis at panganganak na nabuhay; pero meron ding iilang namatay. May kababaihan ding nangahas at napahamak dulot ng kumplikasyon ng pagpapalaglag.

Kung maibabalik ang Family Planning sa Maynila, magagawa naming planuhin ang bawat pagbubuntis. Mas maaalagaan namin ang kalusugan ng mga anak, ng sarili at ng buong pamilya. Mababawasan din, kahit konti, ang paghihikahos ng mga maliit o walang kinikita.
Kaming mga kabataan ng Maynila ay pasan din ang kahirapan ng aming mga magulang at kapatid na pinagkaitan ng Family Planning. Marami sa amin ay nagugutom, napapabayaan, nagkakasakit o natigil sa pag-aaral. Sa paghina ng katawan at pagpurol ng isipan, makulimlim ang aming kinabukasan.

Meron ding mga kapwa dalagitang nabuntis nang maaga dahil hindi napaliwanagan sa tahanan, health center o eskwela. Ang ilan sa kanila ay hindi nakaligtas sa kumplikasyon ng panganganak. Sa mga nabuhay, may natulak sa maagang pag-aasawa o pagiging dalagitang ina. Anong klaseng pag-aaruga o pagpatnubay ang kayang ibigay ng nanay na bata pa sa isip at gawa?

Kung maibabalik ang Family Planning sa Maynila, mapaplano ng magulang ang bilang ng anak na kayang arugaan. Mabibigyan ng tamang impormasyon at suporta ang kabataan para mabisang makaiwas sa aksidenteng pagbubuntis. Kaya, mas lalakas ang tsansa ng kabataan at ng kanyang pamilya na ayusin ang kasalukuyang buhay at kinabukasan.

Kami’y nananawagan sa lahat ng may kakayahang tumulong na sana ay gawing totoo ang serbisyo ng Family Planning sa Maynila. Kailangan namin ng mga doktor, nurse at midwife na magbibigay ng iba‘t ibang Family Planning sa health center at mga ospital. Kailangan din namin ng mga kagamitan at suplay gaya ng pills, DMPA, IUD at condom na sana’y libre para sa mahihirap. Kailangan namin ng mga mambabatas na gagawa ng patakaran para tiyaking may pondo ang programang Family Planning. Kailangan namin ng mga kaibigan at kakampi sa loob at labas ng Maynila para mapalakas ang kakayanan at kumpiyansa sa sarili. Higit sa lahat, kailangan namin ng isang alkalde na magtatanggol sa Family Planning bilang karapatang pantao at magtitiyak na may komprehensibong programang abot kamay ng mahihirap sa buong lungsod.

Bilang mamamayan ng Maynila at lider ng mga samahang komunidad, pinapangako naming mangunguna sa pagmumulat at pagpapakilos ng aming mga komunidad tungo sa responsableng pagpaplano at paggabay ng aming mga pamilya. Inaasahan namin na sa pagsulong ng Family Planning bilang karapatan sa Maynila, makakamit natin ang isang malusog at maaliwalas na kinabukasan.

Democratic Socialist Women in the Philippines (DSWP)  Kapisanan ng mga Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KaKammpi)  Zone One Tondo Organization (ZOTO)
Sinusuportahan ng Reproductive Health Advocacy Network (RHAN), pinakamalaking network para sa Reproductive Health na may 40 organisasyon sa buong Pilipinas.
Back to top Go down
View user profile
 
Ang Family Planning ay Karapatang Pantao
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Please pray for peace in my family
» Movement of East German Family to the West by Royal Navy
» prayer of protection for my family
» Family as Spirit Guides?
» Family Persecution

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: EVENTS and PROJECTS :: Events-
Jump to: