KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 PAPA, PAPA PAANO AKO GINAWA?

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: PAPA, PAPA PAANO AKO GINAWA?   Mon Sep 29, 2008 12:17 pm

I-Witness ni Howie Severino

Ngayong Lunes: Ika-29 ng Setyembre 2008



Paano nga ba ginagawa ang sanggol? Maraming magulang ang napipilipit ang dila kapag sinusubukang ipaliwanag ito sa kanilang anak. Nararanasan ito ngayon ni Howie Severino, dahil nagsisimula nang magtanong ang anim na taong gulang niyang anak na si Alon kung paano at kailan siya magkakaroon ng kapatid.



Upang malaman kung paano ito sasagutin, bumisita si Howie sa isang obispo, guro, youth advocate, abugado, health worker at iba pang mga kabataan. Sa kakaibang paglalakbay na ito, nadiskubre ni Howie ang kasalukuyang estado ng sexuality education sa Pilipinas.

Dinala niya si Alon sa isang eskwelahan kung saan ang usapin tungkol sa seks ay nagiging paksa na para sa mga bata. Napadpad din ang mag-ama sa isang pre-teens workshop sa Malabon kung saan pinag-uusapan ang mga STIs o sexually transmitted infections.


Maaring bunga ng kakulangan sa sexuality education sa mga kabataan ng Malabon ang laganap na iresponsableng pakikipagtalik, pagkalat ng tulo sa mga kabataang lalaki at maagang pagbubuntis naman para sa mga kabataang babae. Nakilala ni Howie si Kiko, isang youth advocate na bitbit ang kakaibang mga 'educational materials' tulad ng mga litrato ng mga STIs, condom at penis models. Layunin niyang iwasto ang baluktot na pag-iisip ng mga kapwa niya kabataan.

Nagbabaga ngayon ang debate sa Kongreso hinggil sa reproductive health bill. Pero wala sa Kongreso ang tunay na laban kundi sa mga lugar tulad ng Malabon kung saan nakasalay dito ang buhay at kamatayan ng mga kabataan.



Ang kakaibang dokumentaryong ito ukol sa sexuality education ay mapapanood ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA-7.
Back to top Go down
View user profile
 
PAPA, PAPA PAANO AKO GINAWA?
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Forte Story
» PRODUCT REVIEW: THE PERFECT PROTEIN BAR REALLY DOES EXIST... IT'S CALLED 'PAPA STEVE'S NO JUNK RAW PROTEIN BARS'
» how to get transaction number?
» adjacent contiguous contract
» Paano Mag-apply para sa Certificates, IELTS sertipiko, IDP TOEFL, GMAT, ESOL, degree sertipiko, diplomas, ID Card, Driver License, birth certificate, marriage certificate, Land / Ari-arian ng pagmamay-ari Certificate at marami pang ibang DOKUMENTO. E-mail

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: PRESS RELEASES :: Opinions-
Jump to: