KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 Aksyon at Lakas ng Sambayanan

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: Aksyon at Lakas ng Sambayanan   Mon Sep 29, 2008 12:25 pm

Aksyon at Lakas ng Sambayanan para sa Katarungan, Karapatang Pantao at Kapayapaan!



Tinatayang kalahating milyon (500,000) sa populasyon ng Mindanao ang nagsipaglikas (NDCC),– na may epektong pisikal, sikolohikal at aspetong eknomiya sa mga BIKTIMA dahil sa GYERA sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) bunga ng di natuloy na pirmahan ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) ng dalawang panig. Bawat mamamayan na naninirahan sa Mindanao o “Lupang Pangako” na ngayon ay mas angkop na tawaging “Lupang Nagdurugo” ay may karapatan at responsibilidad sa pagtulong kung paano malutas at mabigyan ng kaukulang pansin ang nakakabahalang sitwasyong ito sa ibat-ibang porma at paraan tungo sa hangad na tunay na kapayapaan.

Sa panahon ng pagkalito, pagkabalisa at pagkabahala, naniniwala tayo na ang mga Lokal na Pamahalaan ay may malaking papel na gagampanan upang magkaroon ng malawak na pag-unawa, manatiling kalmado at nagkakaisa ang tatlong mamamayan (Moro, Lumad at Migrante ng Mindanao), kasamahan sa barangay o lugar at hindi magatungan sa kung anumang pagbabanta na maaring magpanumbalik sa awayang Muslim-Kristiyano ng 1970’s. Naniniwala din tayo na itong mga organisadong estruktura sa hanay ng barangay o komunidad ang pinakamabuting instrumento sa pagsulong sa karapatang pantao at pagpanday ng kapayapaan at kaunlaran kasama ang hanay ng mga ordinaryong mamamayan.

Ang Mindanao Peoples’ Peace Movement (MPPM), Alyansa ng mga Mamamayan para sa Karapatang Pantao (AMKP), Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK) KILOS BAYAN at Mindanao Tri-People Women Forum (MTWF), mga nagkaisang mamamayan na binubuo ng katawhang Lumad, Moro at Migrante sa Mindanao na mula sa mga karaniwang grupo at sektor ng lipunan at patuloy na pakikibaka upang isulong ang kapakananan ng mamamayan ng Mindanao. Mamuhay na may Katarungan, Kinikilala at Nirerespeto ang Karapatang Pantao at may Kapayapaan (3K).

Ang mga mamamayan ay nakaranas ng matinding mga pagyurak sa mga karapatan nito, mula noong ideneklara ng diktaduryang Marcos ang Martial Law. Kasunod nito ay ang madidilim na mga pamumuno sa bansa na samo’t saring pagyurak nanaman sa mga batayang karapatan ng mga mamamayan ang hatid. Muli na namang nagmumulto sa bayan sa pamamagitan ng mga palisiya at deklarasyon ng rehimeng GMA katulad ng HSA, PP 1017 at ang pagbasura ng MOA-AD kahit wala pang pinal na deklarasyon ang Korte Suprema at pagpapatuloy sa gyera dito sa Mindanao.



Kaya nais namin na muling isaad at ibandera ang aming mga panawagan:

1. Bumalik sa pag-uusap ang dalawang panig at maging seryoso at totoo sa pagpursige nito lalo na ang pamahalaan;

2. Gawing kabahagi ang lahat ng stakeholders ng Mindanao sa anumang usaping kapayapaan na pasukin ng Gobyerno at bigyang puwang ang demokratikong partisipasyon ng mga mamamayan;

3. Ang Katawhang Lumad ay isang minoryang mamamayan sa Mindanao, katulad ng Bangsamoro mayroon ding sariling pagkakakilanlan at kultura, may pantay na Karapatan sa Sariling Pagpapasya na kinikilala sa mga Pandaigdigang Kasulatan at Kombensiyon. Nararapat na sa alinmang kasunduan na magiging produkto sa mga usaping Pangkapayapaan na pasukin ng Gobyerno sa kasalukuyan at sa hinaharap, sila ay bigyan ng kaukulang pagrespeto at pagkilala ang Karapatan sa Sariling Pagpasya at karapatan sa kanilang sa mga Lupang Ninuno;

4. Ibalik at kilalaning muli ang mga mekanismo ng tigil-putukan nang sa gayo’y makabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nagsipaglikas na mga mamamayan na panatag;

5. Mariin naming tinutuligsa ang mga pambobomba na ikinamatay ng mga inosenting sibilyan lalung-lalo na ng mga kababaihan at mga bata sa Datu Piang, Maguindanao, mga karahasan na naganap sa North Cotabatao, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Sarangani.

6. Buong lakas naming hinihingi ang pagsagawa ng isang balanseng pagsusuri at pag-iimbestiga sa mga karahasan at parusahan ang mga nagkasala; at

7. Tigilan na ang pag-aarmas sa mga karaniwang mamamayan sa mga komunidad.



Sa huli, kami ay umaapela sa buong sambayanan na mag-alay ng dasal para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan at sumama at makiisa sa AKLAS 3K!: Aksyon at Lakas ng Sambayanan para sa Katarungan, Karapatang Pantao at Kapayapaan at iba pang mga pagkilos.
Back to top Go down
View user profile
 
Aksyon at Lakas ng Sambayanan
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: PRESS RELEASES :: Statements-
Jump to: