KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 WARNING OFW! JOB HUNTER, ABROAD HUNTER

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Expatriate



Male Number of posts : 1
Registration date : 2009-01-08

PostSubject: WARNING OFW! JOB HUNTER, ABROAD HUNTER   Thu Jan 08, 2009 8:01 pm

JOB ABROAD APPLICANTS Evil or Very Mad lol!

WARNING! this Agency is very dangerous so don't take your risk on it.
Please check these LOGO and information for your reference.


Ang tatlong agency na ito sa Pilipinas ay magkakasabwat at dito kumukuha ng tao ang TOWN sa Sharikat at

sa EL-MASSRI.


1. TOWN INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES,INC &
2. EL-MASSRI TRDG & MANP SVCS Private Employment Agency
3. SHARIKAT AL-SAEDI INTERNATIONAL MANPOWER INC Private Employment Agency


TOWN INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES,INC &
EL-MASSRI TRDG & MANP SVCS Private Employment Agency
G/F,2/F & 3/F, 1549 A.MABINI ST., ERMITA, MANILA
Tel No/s : 303-3668/303-1337
Email Address : town_intl@yahoo.com
Website : None
Official Representative : NA
Status : Cancelled
License Validity : 03/09/2004 to 03/08/2008


SHARIKAT AL-SAEDI INTERNATIONAL MANPOWER INC Private Employment Agency
R1570A MEZZ GEDISCO CENTRE 1564 A MABINI ST MLA
Tel No/s : 3030322 / 24/4006258/450020
Email Address : sharikatalsaedi@yahoo.com
Website : www.alsaedi.com
Official Representative : MS. EMAN A ABDELLAH
Status : Good Standing
License Validity : 11/17/2006 to 11/16/2010


TOWN Recruitment Agency
King Fahad Road. Kingdom of Saudi Arabia


Sa sino mang makabasa nito ay sana paki FORWARD lang sa email ng lahat na kakilala nyo para
kumalat ang mensaheng ito sa ating gobyerno, sa POEA, DOLE, DFA at iba pa at mabigyan
na pansin ang nangyayari samga OFW na nilalapastangan ang ating lahi. Nakakaawa ang mga
nare-recuit ng TOWN, lalo na mga pinay na halos di nakakalabas at di pinapakain ng

matino, walang matinong tulugan at sama-sama ng iba't ibang lahi na babae sa isang kwarto,
pinapakain daw sila kanin at asin nalang sa dami nila kabilang na ang ibang lahi, Morroco,
Indian, Indonesian, Pinay at iba pa.

Habang walang nakukuhang mga employer o bibili sa kanila ang TOWN ay itinatago lang ang mga
babae sa bahay ng may-ari ng TOWN at minsan ay ginagawang tauhan para sa sariling negosyo
at di sila nakakatanggap ng mga sulat mula sa kanilang kaanak sa Pilipinas o nakakausap
man lang sa telepono. Kapag may emplyer at gusto makita ang mga babae ay saka lang dadalhin sa
opisina ng TOWN at doon mamimili ang mga employer at babayaran sa TOWN sa di malamang
halaga, naawa ako pero wala ako magawa dahil sa isa rin akong biktima.

Ako po ay isa sa mga nabiktima ng TOWN na ito noong 2001 sa Saudi Arabia, dumating ako sa
Riyadh 2001 ay wala pa ang TOWN dito sa Pilipinas at naitayo ito noong 2002 o baka mas
maaga pa. Kaya mas marami na sila mabibiktima dahil nakarating na ito sa Pilipinas.

Ako ay di pinasahod sa loob ng 7 months at binenta pa kami sa mga bagong employer sa halagang
5,000 hanggang 15,000 Riyals pati narin ang iba pang mga nationals, nagtatrabaho kami sa
TOWN pero di pinapasahod, habang nagtatrabaho kami sa TOWN recruitment agency ay hinahanapan
palang kami ng employer kaya doble pakinabang ng TOWN sa amin, kumita na sa pagbenta
sa mga employer at nagamit pa ang mga OFW sa sarili nyang mga negosyo. Ang may-ari ng TOWN
sa Saudi Riyadh ay si ABDUL RAHEEM Al QARAWI pero ang TOWN sa Pilipinas ay di ko alam kung
nakapangalan kay Al QARAWI ang alam ko may tauhan syang Egyptian sa Pilipinas.

Kaya kaming mga lalaki ay pwedeng lumabas at napipilitan kami mamalimos sa kapwa OFW para
makakain lamang, at kami narin bahala at gumawa ng paraan kung saan kami matutulog,
hanggang sa pinakawalan na kami ng TOWN pero wala kaming IQAMA at kami na ang bahala
maghanap ng employer namin. Kapag nakahanap na kami ng bagong employer ay dadaan
parin ang bagong employer sa TOWN para ayusin ang aming legal dobuments at saka palang maaayos
ang aming IQAMA depende pa iyon sa employer, pano kung di kukuha ng IQAMA ang bagong employer
lalo na sa mga katulong na di naman namo-monitor dahil sa bahay sila
magtatrabaho, so lalabas na TNT sila diba? kaya mas lalong kaawa awa ang mga babae na recruit nila dito sa Pilipinas.

Kaya nang makuha ko na ang IQAMA at lumipas ang ilang buwan sa bago kong employer ay
malakas na ang loob ko at handang umuwi ng Pilipinas kahit walang pera. Sinubukan kong
mag complain sa POEA pero marami silang hinihinging dokumento at di ko iyon nai-provide kaya
tumigil nalang ako dahil sa wala akong perang pantustos para mag complain.
kaya ginawa ko inuna ko muna sarili ko at ayusin ko ang buhay ko, kaya patawad sa mga nabiktima ng TOWN
at ngayon ay muli kong ipapaalam ito sa lahat dahil sa nakita ko na patuloy na nagre recuit at
nakakakuha ng lisensya sa ating gobyerno ang tanurang recuitment agency.

Kaya kungsino man ang nakaranas sa agency na ito ay sana magkaisa tayo para makasuhan
ang may-ari at mga nag-o operate nito. Dahil sa walang lakas ang isang tao kahit mag complain pa
sa gobyerno natin.


MAG-INGAT SA MGA RECRUITMENT AGENCY LALO NA SA AGENCY NA NAKA LISTA SA ITAAS.


MARAMING SALAMAT PO.



OFW/EXPATRIATE
Back to top Go down
View user profile
 
WARNING OFW! JOB HUNTER, ABROAD HUNTER
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Day Spas in General/Golden Door Day Spa at Hunter Valley
» HUNTER SELKIRK - "A Great Clairvoyant"
» Hi im new, from the Hunter Valley
» Warning Dreams
» head hunter....Almost slice my head off! pls help!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: GENERAL DISCUSSION :: Comments / Suggestions-
Jump to: