KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 SULAT PAGKONDENA:

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: SULAT PAGKONDENA:   Thu Jul 09, 2009 4:01 pm

KATARUNGAN para sa mga Biktima ng Pambobomba sa Cotabato City (July 5, 2009)
Ika-5 ng Hulyo 2009, Linggo sa pagitan ng alas-8 at alas 9 ng umaga, niyanig ng isang putok ng bomba ang Cotabato City na kumitil ng di baba sa lima katao at nagsugat sa mahigit limampu kabilang na ang pagkasira ng isang tindahan at mga sasakyan.
Ang pagsabog ay muling nagdulot ng pangamba at takot sa mga Cotabateńos. Nagdulot ng tanong at pala-isipan sa tao at magdudulot ng pag-igting na di pagkakaunawaan ng mga bawat tao. Ang nasabing karahasan ay hindi makatao at di maka-Diyos!
Tahasang Kinokondena ng Alyansa ng Mamayan para Karapatang Pantao (AMKP) ang nasabing insidente sa isang tindahan kaharap ng Immaculate Conception Cathedral habang nasa kalagitnaan pa lamang ng sermon ang obispong nagdaos ng misa.
Taos puso naming ipinapaabot sa mga biktima ang aming pakikiramay at pakikiisa sa pagdadalamhati habang kami ay nananawagan na mabigyang hustisya ang kanilang pagkamatay.
Kinukondena rin namin ang marahas at di makataong pagdakip sa isang taong pinaghinalaang suspek sa naturang pangbobomba na dinakip, sinaktan at binugbog.
Nanawagan kami sa kinaukulan na madaliin, maging balanse at responsable sa pag-imbestiga sa nangyaring pangbobomba.
Sa mga Cotabateńos, maging mapagmatyag sa ating paligid at maging maingat. ipaalam sa kinauukulan kung may mga kahinahinala kayong mapansin upang maiwasan ang mga ganitong gawain. Mas igtingan pa natin ang ating pagkakaisa laban sa anumang pagyurak at pagkitil sa ating mga karapatan at mga buhay.
Katarungan para sa mga Biktima! Kapayapaan sa Central Mindanao at buong Mindanao!
__________________________________________________________
Alyansa ng mga Mamamayan para sa Karapatang Pantao (AMKP)
Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK)
Initiatives and Movement for Gender Liberation Against Desicrimination (IíM GLAD)
KAAGAPAY! OFW Resource and Service Center, Inc (KAAGAPAY)
Kilusan ng mga Lumalabang Mamamayan para sa Pagbabago ng Bayan (KILOS BAYAN)
Lumad Development Center, Incorporated (LDCI)
Mindanao Tri-People Women Resource Center, Inc (MTWRC)
Mindanao Tri-people Women Forum (MTWF)
OFW Organization of RS Buan, Incorporated
OFW Organization of Tamontaka
Salamat OFW Organization
Teduray-Lambangian Youth and Student Association (TLYSA)
Tri-Peoples Organization Against Disaster Foundation, Inc (TRIPOD)
Umpungan Nu mga Babai sa Bagua 2 (UBB2)
Young Advocates for Peace and Solidarity (YAPS)
July 6, 2009, Cotabato City
Back to top Go down
View user profile
 
SULAT PAGKONDENA:
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: PRESS RELEASES :: Statements-
Jump to: