KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 6 na bersyon ng RH Bill, nakahain sa Kamara

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: 6 na bersyon ng RH Bill, nakahain sa Kamara   Wed Oct 06, 2010 9:45 pm



Mistulang sinamantala ng ilang nagsusulong ng family planning ang pagiging bukas ni Pangulong Aquino sa usapin ng artificial contraceptives. Hindi lamang isa kundi 6 na bersiyon ng reproductive health bill ang nakahain sa Kamara ngayon.

Unang naghain si Minority Leader Edcel Lagman ng Albay na ilang taon nang bigo na maipasa ang RH bill. Naghain din ng sariling bersyon sina Janette Garin ng Iloilo, Kaka Bag-ao at Walden Bello ng Akbayan, Rodolfo Biazon ng Muntinlupa na tagapagsulong ng RH bill mula pa noong siya'y senador, Augusto Syjuco ng Iloilo, bagamat walang detalye ang bersyon nito, at Luzviminda Ilagan ng Gabriela.

Dapat tiyakin ng gobyernong abot-kamay at abot-kaya ang ligtas, ligal, epektibo at dekalidad na serbisyo at pamamaraan ng reproductive health. Kalakip dito ang tamang impormasyon at edukasyon para sa publiko.

Kinikilala rin ng mga panukala ang karapatan ng mamamayan na magdesisyon kung ilang anak ang gusto nila at kung anong paraan ang gagamitin sa pagpaplano ng pamilya.

Isinusulong naman ng 5 sa 6 na RH bills ang lahat ng modernong pamamaraan ng pagpipigil ng pagbubuntis. Kasama rito ang artificial methods tulad ng pills, IUD, injectibles, condom, ligation at vasectomy. Ganun din ang natural na pamamaraan tulad ng mucus, billings, ovulation, lactational amenorrhea basal body temperature, at standard days.

Malinaw naman sa mga panukala na pipigilan at pananatilihing bawal ang abortion. Ganunman, makahihingi ng serbisyong medikal ang sinumang nagkakumplikasyon dahil sa tangkang pagpapalaglag.

Inaatasan naman ang Department of Health na bumili at mamahagi sa gustong himingi ng mga pinapayagang kagamitan sa family planning. Nakatakda nang talakayin ng mga komite ang 6 na bersyon ng RH bill.

Si Senador Miriam Santiago naman ang may-akda ng nag-iisang Senate bill na nagsusulong ng reproductive health. Tulad ng mga RH advocate sa Kamara, isinusulong ni Santiago ang modernong pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.

Binigyang diin ni Santiago na dapat napatunayang ligtas at epektibo ang mga ito base sa mga siyentipikong pag-aaral at batayan tulad ng sa World Health Organization. Lynda Jumilla, Patrol ng Pilipino
Back to top Go down
View user profile
 
6 na bersyon ng RH Bill, nakahain sa Kamara
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Bill Picard breakthrough on the cliffs near Mousehole
» Senate Bill No. 1963
» Bill of Quantities and Detailed Estimates Used in DepED Bidding
» Bill of Quantities and Detailed Estimates Used in DepED Bidding
» Bill of Quantities vs Detailed Estimates: Civil Works

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: KAKAMMPI WEBCASTS :: News-
Jump to: