Sa pagpasok ng 2008, isasagawa natin ang unang activity ng Welga para sa taon. Yes, tuloy na tuloy po ang ating napagkaisahang Assertiveness Training na ibibigay ng ating kasamang si Ms. Teresa Balayon ng Women's Crisis Center sa January 12-13, 2008.
Gaganapin ito sa Retreat House ng Claretian Missionary Sisters sa 48 A Cenacle Drive, Sanville, Culiat, Quezon City, (malapit sa Visayas Avenue) simula alas 9 ng umaga sa Sabado, January 12 hanggang alas 5 ng hapon sa susunod na araw. Para sa nais dumalo mula sa inyong organisasyon at/o komunidad, magconfirm lamang po bago mag Miyerkules, January 09.
Upang mapagbuti ang isasagawang training, mangyari pong sagutan ang kalakip na maikling training needs survey.
Para po i-confirm ang inyong pagdalo, pati na rin sa inyong mga tanong o klaripikasyon, maaring mag-email, tumawag o magtext sa 09287497039 (Aya) o 4352580. Magkita-kita po tayo!
Maraming Salamat! Happy 2008!