KAKAMMPI

The Official web forum of Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
 
HomeHome  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  Official WebsiteOfficial Website  

Share | 
 

 Sabah standoff, inaasahang matatapos na sa loob ng 72 oras

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
KAKAMMPI



Female Number of posts : 880
Registration date : 2008-01-06

PostSubject: Sabah standoff, inaasahang matatapos na sa loob ng 72 oras   Tue Feb 26, 2013 12:38 pm

Inaasahang matatapos na ang tinaguriang Sabah standoff sa loob ng 72 oras dahil sa pagdating ng barkong susundo sa grupo ng mga Pilipino doon ngayong Lunes nang tanghali, ayon sa ulat ng isang Malaysian news site.

"[The ship] is expected about noon Monday to help evacuate the civilians and five women in the group of about 180, seen as a sign that group leader Azzimudie Kiram is prepared to leave the village," anang ulat ng The Star website.

Umalis ng Pilipinas ang barko, ang AT296, nitong Linggo nang gabi upang sunduin ang may 180 Pilipinong nasa Lahad Datu. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dadaan ang barko sa Bongao, Tawi-Tawi patungong Tanduo sa Lahad Datu sa Sabah.

"Onboard the ship are Filipino-Muslim leaders as well as social workers and medical personnel," ayon pa sa DFA.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, isang "humanitarian mission" ang isinasagawa ng nasabing barko. "We are deeply concerned about the presence of five women and other civilians in the group, and we urge them to board the ship without delay and return home," aniya.

Muling nanawagan si Del Rosario sa grupo na lisanin na ang Sabah at sa halip ay bumalik na sa kani-kanilang pamilya dahil pinag-aaralan na umano ng gobyerno ang kanilang mga hinaing.

Samantala, nakasaad sa ulat ng The Star na naubusan na ng suplay ng pagkain ang mga armadong Pilipino sa Brgy. Tanduo dahil umano sa "total blockade” ng Malaysian authorities.

Nakasaad din sa ulat na mayroon umanong ilang mga tagasuporta ng grupo na nais nang bumalik ng bansa.

Nauna nang nanawagan ang DFA sa mga Pinoy sa Sabah na nasangkot sa standoff na payapang umalis sa lugar upang maiwasan ang anumang kaguluhan.

Ang mga nasabing Pilipino ay mga tagasuporta ni Sultan Jamalul Kiram III na umaangkin sa nasabing lugar. Aniya, pag-aari ng kanilang mga ninuno ang Sabah. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News
Back to top Go down
View user profile
 
Sabah standoff, inaasahang matatapos na sa loob ng 72 oras
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Maliki, al-Sabah conduct positive atmosphere discussions
» Adhkaar As-Sabaah (Moring duaa) & Adhkaar Al-masaa (Evening duaa) by Sh. R.Mishary El Efasy
» Iraq government and Kurdistan agree to defuse military standoff
» HMOOB NPAM NAJ XEES
» HMOOB LUB XEEM

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
KAKAMMPI :: KAKAMMPI WEBCASTS :: Special Features-
Jump to: